Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Motorcycle group, pumalag sa no-helmet policy ng LGUs at subdivisions

        Ano ang silbi ng Motorcycle Helmet Act?
        by Aris Ilagan 5 days ago
        PHOTO: Mayor Solomon T. Rufila/Facebook

        Ang batas ay dapat sundin. Ito ang mahigpit na tagubilin ng ating magulang simula noong tayo ay bata pa. Ngunit paano kung may isang bagong batas na kumokontra sa isang umiiral na batas, alin ang dapat nating sundin?

        Bukod sa kalituhang idunudulot ng ganitong isyu sa hanay ng mga motorcycle rider, iginiit din ng Kapatiran sa Dalawang Gulong (Kagulong) na ang pagpapatupad ng no-helmet policy hindi lamang ng ilang local government unit (LGU) ngunit maging mga private subdivision ang naglalagay sa mga rider sa peligro.

        Continue reading below ↓

        “Hindi sumasang-ayon ang Kagulong sa mga ordinansang nagbabawal ng pagsuot ng helmet habang bumibiyahe,” pahayag ng grupo. Base sa kanilang obserbasyon, dumarami ang mga LGU na nagpapatupad ng no-helmet policy upang maprotektahan umano ang mga residente laban sa mga kriminal na madalas gumagamit ng motorsiklo bilang getaway vehicle.

        Iginiit ng Kagulong na ang ganitong ordinansa ay taliwas sa Motorcycle Helmet Act of 2010 na nag-oobliga sa mga rider na magsuot ng helmet habang bumibiyahe. Ito ay may katapat na multang P1,500 hanggang P10,000 sa mga lalabag na rider. Sa ikaapat na paglabag ng rider, ay maaari nang kumpiskahin ng awtoridad ang kanyang lisensiya.

        Kabilang sa mga LGU na nagpatupad ng no-helmet policy ay ang munisipalidad ng San Francisco, Agusan del Sur, simula noong Enero 11, 2021. Mula P200 hanggang P500 ang multa sa mga lalabag na rider. Dumarami na rin ang mga private subdivision mula sa iba’t ibang sulok ng bansa na nagpapatupad ng no-helmet policy para sa mga non-resident na ikinababahala ng riding community.

        Continue reading below ↓

        Ano naman ang pananaw mo hinggil sa usaping ito?

        See Also

        PHOTO: Mayor Solomon T. Rufila/Facebook

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱