Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Naaktuhang traffic violation, puwede nang i-report sa LTO-C3

        Alisto rin sa smoke belchers, road accidents
        by Leandre Grecia 6 days ago
        PHOTO: Shutterstock

        Inilunsad kamakailan ng Land Transportation Office (LTO) ang pilot testing ng bago nitong Central Command Center (C3), kung saan makakapagpadala na ang mga motorista sa ahensiya ng mga ulat ng paglabag sa batas trapiko at iba pang mga insidente sa kalsada.

        Pupuwede nang makipag-ugnayan sa LTO sa pamamagitan ng official Facebook pages ng central at regional offices nito o mag-email sa LTO Digital Media–Public Assistance Office (DM-PAO) sa [email protected].

        Tinukoy ng LTO ang traffic violations na maaaring i-report sa ahensiya: smoke belching, reckless driving, vehicular accidents, pagbababa at pagsasakay ng pasahero sa bawal na lugar, pambabalewala sa traffic signs, at mga hindi ligtas na sasakyang namataan sa kalsada. Pupuwede ring mag-file ng iba pang reports, pero dapat na tukuyin ang partikular na paglabag.

        Ang reports ay dapat ipadala kasama ang kumpletong detalye, kabilang ang mga sumusunod:

        1. Kumpletong paglalarawan sa insidente (oras, petsa, at lugar ng paglabag);
        2. Paglalarawan sa sasakyang inire-report (plaka, klase at modelo, kulay, at iba pa);
        3. At screenshot o link sa ebidensiya, kung mayroon.
        Continue reading below ↓

        Narito ang ilang halimbawang tinukoy sa advisory ng LTO:

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

         

        Tumatanggap ng reports ang LTO sa hotline nito na 1-342-586 o sa opisyal na CitiSend app.

         

        (Oktubre 11, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

         

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Shutterstock

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱