Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Ipatutupad na ba ang ‘three-strike policy’ sa RFID lanes?

        Information campaign ng tollway companies, pinaigting
        by Aris Ilagan Apr 26, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Natatandaan n’yo pa ba ang tinaguriang ‘three-strike policy’ ng Toll Regulatory Board (TRB)?

        Ika-1 ng Pebrero, 2021 nang aprubahan ng TRB ang implementing guidelines sa three-strike policy upang disiplinahin ang mga motoristang dumaraan sa dalawang tollway system sa Luzon pero kulang ang load. Ito ay kadalasang nagdudulot ng trapik sa mga toll plaza.

        At dahil sinuspinde ng pagpapatupad ng 100% cashless or contactless RFID transactions sa mga tollway na pag-aari ng SMC Tollways at Metro Pacific Tollways Corporation dahil sa ilang aberya at kalituhang idinulot nito sa mga motorista, hindi rin agad na umarangkada ang three-strike policy.

        Subalit nitong mga nakaraang araw, kapansin-pansin ang pinaigting na information drive ng mga tollway company para sa three-strike policy, partikular ang MPTC na nangangasiwa sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Express (SCTEX), Cavite-Laguna Expressway (CALAX) at Cavite Expressway (CAVITEX).

        three-strike policy information drive

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Senyales ba ito na kasado na ang pagpapatupad ng kontrobersiyal na polisiya na ito na unang pinalagan ng mga motorista? “Hindi naman po,” ayon kay Arlette Capistrano, tagapagsalita ng MPTC-South (CALAX at CAVITEX).

        In support of Toll Regulatory Board’s announcement last February 2, we are helping motorists understand the three-strike policy with this communication campaign. So they may practice the proper use of the RFID lanes and maintain their RFID accounts in good standing to avoid inconveniences,” pahayag ni Capistrano.

        three-strike policy information drive

        Continue reading below ↓

        Hindi batid ni Capistrano kung kailan ipatutupad ng TRB ang three-strike policy. Ngunit nakasaad sa implementing rules and regulations na inaprubahan ng ahensiya na ipatutupad ito anim na buwan matapos aprubahan ang guidelines. At kung ito ang susundin,  sa ika-1 ng Agosto ng kasalukyang taon ang implementasyon.

        Mahigpit  din ang tagubilin ng TRB sa MPTC at SMC Tollways na magsagawa ng information campaign hinggil sa three-strike policy bago ito ipatupad.

        Kumbaga, practice makes perfect. Game na ba kayo?

        Metro Pacific Tollways

        Continue reading below ↓

        See Also

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱