Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        DOTr secretary: Dapat gawing mandatory ang Motor Vehicle Inspection System

        “Nalalagay sa peligro ang kaligtasan ng motorista”
        by Aris Ilagan Jun 22, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Sa kabila ng pagkakaantala sa pagtatayo ng karagdagang private motor vehicle inspection center (PMVIC), determinado pa rin si Department of Transportation (DOTr) secretary Arthur Tugade na isulong ang programang ito upang matiyak ang roadworthiness ng lahat ng sasakyan.

        Sa panayam ng mga editor ng Summit Media Group, aminado rin ang kalihim na ipupursige nito na gawing mandatory ang pagsasalang ng mga sasakyang magpapa-renew ng rehistro sa 70-point vehicle testing process ng mga PMVIC.

        “Dapat gawing mandatory ito. Anyway, pareho na naman ang presyo,” pahayag ni Tugade, tungkol sa vehicle testing fee ng PMVIC at private emission testing center (PETC) na ngayo’y nasa  P600 at P550 para sa lightweight vehicle.

        Ikinalungkot din ni Tugade ang pagkakaantala sa pagtatayo ng karagdagang PMVIC bunsod ng isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-ugat sa mga reklamo ng mga motorista. Kabilang ang umano’y overcharging, inconsistency sa testing results, at kakulangan sa konsultasyon sa iba’t ibang sektor bago ipinatupad ang programa.

        Continue reading below ↓

        Kasabay nito, patuloy naman ang operasyon ng ilang PETC kung saan talamak umano ang ‘no-show’ scheme sa smoke belching test.

        “Yang ‘no-show’ pa-picture-picture lang, tapos ang singil ay P1,000. Hindi ko alam kung saan napupunta yung sosobra d’yan. Itigil na natin yan kasi nakokompromiso ang buhaylife and limb—ng ating mananakay,” aniya.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Target sana ng gobyerno na magkaroon ng 400 PMVIC sa bansa bilang kapalit ng PETC, kung saan usok mula sa tambutso lang ang isinasalang sa testing method. Ayon sa sources, 36 PMVICs ang kasalukuyang operational habang 138 iba pa ang inaprubahan na ng DOTr na magtayo ng pasilidad.

        “Sana matapos na ang usapin sa Blue Ribbon Committee ni Chairman Richard Gordon. Ito po ang kadahilanan kaya hindi na nadagdagan (ang PMVIC),” paliwanag ng opisyal.

        Ano’ng say n’yo? Dapat bang gawing mandatory ang Motor Vehicle Inspection System o hindi?

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱