Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Long-term review: Ang pogi points ng 2020 Honda ADV 150

        Okay bang everyday buddy ang scooter na ito?
        by Leandre Grecia Jul 3, 2021
        PHOTO: Leandre Grecia
        MOTORCYCLE BRANDS IN THIS ARTICLE
        MOTORCYCLE MODELS IN THIS ARTICLE

        Bago nagkaroon ng pandemya, ilang taon ko ring pinag-isipan kung dapat na akong bumili ng bagong motorsiklo. Hindi ko iyon itinuloy, inisip kong mas malaki ang maiipon ko kung sasakay na lang ako ng tren papasok sa trabaho araw-araw. Pero nang mangyari ang COVID-19, nagdesisyon ako sa wakas na bumili na ng two-wheeler.

        Dalawa lang ang pinagpilian ko, ang Yamaha XSR155 at ang Honda ADV 150. Siyempre pa, base na rin sa nakikita ninyo, pinili ko ang  Honda. Bukod sa totoo ang ipinapangakong mas marami itong gamit, madali lang itong imaniobra sa lagi nang traffic na metropolis.

        Binili ko ang motorsiklo sa pamamagitan ng financing noong Nobyembre 2020. Sa ngayon, ilang buwan na sa akin ang aking ADV 150 at naibiyahe ko na ito nang mahigit 1,800km. Hindi malayuan, oo, pero para sa ating mga pinapirmi ng COVID-19 crisis sa bahay, malayo na iyon para sa akin.

        Ngayong ilang buwan ko na itong ginagamit, kumusta naman ang riding experience ko? Tama lang ba ang naging desisyon ko na bilhin ito, o may pinagsisisihan kaya ako? Basahin ito para malaman ninyo kung anu-ano ang mga natutuhan ko.

        Continue reading below ↓

         

        2020 Honda ADV 150 Styling

        2020 Honda ADV 150

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Noon pa man, ang styling ng ADV 150, para sa akin, ay perfect 10. Wala akong pintas sa hitsura nito, kahit pa alam kong isa itong maliit na bersiyon ng X-ADV. Angat na angat ang porma nito sa iba pang lower-displacement scooters; headlamps o taillights pa lang ay malalaman na kaagad na ADV 150 ang papalapit na bike. Sa kabila nito, walang kaso sa akin kung dumating ang panahon na dagdagan ito ng ilang aftermarket bits.

        Continue reading below ↓

        Ngayon, kahit mahigit kalahating taon ko nang pangharabas ang ADV 150, napapangiti pa rin ako tuwing naiispatan ko ito sa garahe. Hindi ko siguro masasabing ang disenyo nito ay timeless, pero tinitiyak kong hindi kaagad na malalaos ang pormahan nito.

         

        The saddle

        2020 Honda ADV 150 saddle
        Isa ang ADV 150 sa pinakamatataas na small scooters sa merkado ngayon. Ang seat height nito ay nasa 31.3 pulgada at may 165mm na ground clearance. Ibig sabihin, madali lang ang pag-aangat ng bike na ito sa matataas na gutter o kahit imaniobra lang sa mga high speed bumps. Pero dahil sa mga nabanggit, ang bike na ito ay maaaring maging challenge para sa mga hindi katangkaran at bagitong riders.

        Continue reading below ↓

        Kung sa akin, may taas akong 5’5” pero dahil malapad ang kaha ng ADV 150, nakatingkayad ang magkabila kong paa kapag nakatapak ako sa lupa. Kalaunan, nagamay ko na ang bigat ng bike kaya kahit nakatapak ang buong paa ko sa lupa, hindi na ako nag-aalala tuwing naiipit ako sa trapiko. Ang napansin ko lang sa upuan ay ang materyales nito. Magandang tingnan pero minsan ay dumudulas ang cover bukod pa sa madaling malukot. Ang good news, madali lang itong resolbahin sa pamamagitan ng ilang aftermarket upgrades.

         

        Engine performance

        2020 Honda ADV 150 engine

        Continue reading below ↓

        Marami na sa inyo ang nakakaalam ng powertrain ng ADV 150, pero para sa long-term review na ito, hayaan ninyong bigyan namin kayo ng refresher. Ang scooter na ito ay pinatatakbo ng 149.33 SOHC single-cylinder engine na kayang pumuwersa ng 14.34hp sa 8,500rpm at 13.8Nm sa 6,500rpm—ang parehong lakas na mayroon ang Honda PCX.

        Sino man na interesadong bumili ng ADV 150 at nagtingin-tingin sa social media para masilip ang review ng iba ay alam na marahil ito: Ang Honda na ito ay hindi kasing lakas ng mga competitors, tulad ng Yamaha NMax. Hindi pa ako nakakapag-ride ng scooter na yun, pero sapat na ang mga nabasa ko para maniwala akong totoo nga ito. Makakaramdam ka ng dragging kapag nakatigil, at kung sanay kang mag-ride nang mabilisang pumitik, tiyak na irereklamo mo ang isang ito.

        Pero hindi naman bilis ang pambenta ng ADV 150. Sa kaso ko, hindi tulin ang konsiderasyon ko sa pagpili ng motorsiklo. Isa pa, hindi rin naman kakapusin ang scooter na ito sa mga overtakes o kahit pagharurot. Kapag nagamay na ninyo ang tamang pisil sa throttle para suwabeng mamaniobra ang bike na ito, malalaman ninyong hindi naman ito kasing underpowered gaya ng sinasabi ng iba. Ang bentahe talaga ng ADV 150 ay matipid ito sa gasolina—kahit ilang buwan na ang nakalipas, consistent pa rin ako sa pagkonsumo ng mas mataas sa 40km/L. May panahong kaya ko pang umabot sa halos sa 50km/L kung gugustuhin ko.

        Continue reading below ↓

        Ang isa pang bagay na napansin ko, pagkatapos ng unang oil change (sa ngayon ay nasa wala pang 200km ito mula sa ikalawa) ay gumanda ang performance ng scooter ko. Sasabihin ninyong dapat na itong asahan, pero importante ring banggitin ko. Mas suwabe na ang acceleration at kaagad itong bumibilis base sa pisil sa throttle. Tantiya ko, tuluy-tuloy na paganda nang paganda ang takbo nito hanggang sa susunod na libu-libong kilometro.

        Ride and handling

        2020 Honda ADV 150

        Continue reading below ↓

        Kung may pinakakinabibiliban talaga ako sa ADV 150, ito ay ang paglusot nito sa minor road imperfections. Mataas ang motorsiklo kaya hindi na hassle ang karaniwang bumps sa kalsada. At kahit may kataasan ang bike na ito, kaya pa rin nitong magpaese-ese sa mga paliku-likong kalsada. Mas madalas ko itong idaan sa mga mala-isaw sa paliku-likong kalye, mas na-a-appreciate ko ang lakas ng scooter ko.

        Sa malayuang biyahe, hindi nakakapagod sakyan ang ADV 150, lalo na kung nakataas ang windshield at prenteng-prente ka sa pagkakaupo. Minsan na akong bumiyahe nang 10 oras (nang may multiple stops) mula sa Santa Rosa papuntang Taal loop via Tagaytay, tsaka nakarating sa Los Baños pabalik—at hindi ako gaanong napagod kumpara sa inaasahan ko.

         

        Extra features

        2020 Honda ADV 150 instrument panel

        Continue reading below ↓

        Okay sa akin ang keyless ignition system sa ADV 150. Matagal na akong fan ng smart keyless systems sa sasakyan, at lalo na ngayon sa motorsiklo. Ang 12V socket sa motorsiklong ito ay hulog din ng langit.

        Mayroong alarm system ang motorsiklo, pero bihira ko itong i-on dahil sa palagay ko ay hindi naman kailangan. Ang isang malaking tulong para sa akin ay ang digital instrument cluster na may multiple trip meters at fuel consumption gauge. Ang huli, sakto ang tantiya.

        May storage rin ang Honda na ito. Mayroong maliit na cubby kung saan nakatago ang 12V socket, at sapat ang espasyo para sa cellphone, wallet, at mga susi. Sa ilalim naman ng upuan ay kasya ang isang half-face helmet o mas maliit na full-face helmet at may space pa rin para sa kapote at emergency tools. Nagkabit din ako ng 45-liter topbox sa aking motorsiklo para sa extra cargo space, at sobrang nakatutulong ito tuwing naggo-grocery ako o may madaliang errands.

        Continue reading below ↓

        Pero sa lahat ng extra tech na kargado ang ADV 150, ang pinakaimportante para sa akin ay ang ABS. Hindi pa ako ipinahamak nito kapag kinailangan kong magpreno nang matindi.

        Ownership experience and verdict

        2020 Honda ADV 150

        So far, wala akong naging problema sa aking ADV 150. May nabasa ako na ang iba ay may isyu sa fuel pump, pero hindi ko ito kailanman prinoblema. Sinisiguro ko lang na laging maayos ang bike ko at hindi ko na pinag-aaksayahan ng panahon ang mechanical o electrical parts kapag nagpapa-upgrade ako. Nabanggit din lang, plano kong i-upgrade ang bike ko, tulad ng pagdadagdag ng bagong exhaust.

        Continue reading below ↓

        Base sa gastusin ko, na-realize ko na ang minsanang Grab at Angkas rides papunta o pauwi mula sa opisina (bukod pa sa aking regular na gastos sa pasahe) ay malaki-laki na rin—halos third part ng buwanang amortization ng aking motorsiklo—kaya naisaayos ko ang aking budget simula nang magkaroon ako ng bike. Bagamat hindi pa ako talaga nakakabalik sa metropolis, sigurado akong ang anumang aking matitipid ay katumbas ng dagdag na ipon. Bukod dito, walang labor charges ang una kong PMS—nagbayad lang ako ng P200 para sa engine oil.

        Sa totoo lang, may bahagi ng isip ko na gusto pa rin ang XSR 155, pero masyado na akong kuntento sa bike ko ngayon para isipin pa yun. Pupuwedeng hindi taglay ng ADV 150 ang pogi points ng isang retro-styled motorcycle, o ang lakas ng 155cc engine na may six-speed manual, pero ang lahat ng kailangan ko ay nasa motorsiklo ko na. Plus, may sangkatutak itong pogi points sa sarili nitong paraan. So, para sagutin ang tanong: Oo, walang dudang tama ang naging desisyon ko na bumili ng Honda ADV 150.

        Continue reading below ↓

         

        SPECS: 2020 Honda ADV 150

        Price: P149,000

        Engine: 149.3cc SOHC single-cylinder

        Transmission: CVT

        Power: 14.34hp @ 8,500rpm

        Torque: 13.8Nm @ 6,500rpm

        Seat height: 31.3 inches

        Score: 18/20

        2020 Honda ADV 150 windshield

        2020 Honda ADV 150 underseat compartment

        Continue reading below ↓

        2020 Honda ADV 150 emblem

        2020 Honda ADV 150 top box

        Continue reading below ↓

        2020 Honda ADV 150 cruise control

        2020 Honda ADV 150 handlebar

        Continue reading below ↓

        2020 Honda ADV 150

        2020 Honda ADV 150 caliper

        Continue reading below ↓

        2020 Honda ADV 150

        2020 Honda ADV 150 suspension

        Continue reading below ↓

        2020 Honda ADV 150

        2020 Honda ADV 150 windshield

        Continue reading below ↓

        2020 Honda ADV 150 taillight

        2020 Honda ADV 150 power outlet

        Continue reading below ↓

        2020 Honda ADV 150 

        (Abril 30, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Leandre Grecia

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱