Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Test ride: Magpaka-dapper papuntang opisina gamit ang 2021 Honda PCX160

        Una naming sinampulan ang premium scooter na ’to
        by Aris Ilagan Jul 9, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan
        MOTORCYCLE BRANDS IN THIS ARTICLE

        Nang opisyal na ipakilala sa riders ang 2021 Honda PCX160, siniguro muna ng Honda Philippines, Inc. (HPI) na may personal na paghuhugutan ang media sa mga impormasyong ibabandera sa ikinasang virtual launch: Kami muna ang first ride.

        Bago ang online presentation, nag-organisa ang HPI ng test ride ng bagong PCX160 sa Honda Safety Driving Center (HSDC). Ganito ang naging performance ng astig na scooter na ito sa maikli pero sobrang teknikal na riding course.

        Styling

        2021 Honda PCX160

        Continue reading below ↓

        Sa nakalipas na mga taon, kabilang ang mga premium scooters sa pinakamabenta. Bagamat totoong pumatok sa merkado ang PCX, ang pagpapanatili sa parehong body styling nito sa loob ng mahabang panahon ay naging malaking hamon para makipagsabayan sa mga kakumpetensiya.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Paborito ng scooter lovers ang sikat na motorsiklong ito dahil sa elegante nitong porma. Ito ngayon ay may bagong LED headlight at taillight, bukod pa sa pinagandang alloy wheels.

        Nagpakilala rin ang Honda ng bagong color schemes—Pearl Fadeless White at Asteroid Black Metallic para sa ABS variant, at Matte Dim Gray Metallic at Pearl Fadelesss White para sa CBSna lalong nagpaangat sa itsura nito.

        Naniniwala akong mas rerespestuhin ngayon sa mga police checkpoint ang bagong PCX, lalo na kung kumpleto sa safety gear ang rider. Sa totoo lang, sa bago nitong kulay at sa kawalan ng matitingkad na sporty graphics, ang Pearl Fadeless White PCX160 ay posibleng mapagkamalang police bike.

        Continue reading below ↓

        The saddle

        2021 Honda PCX160 saddle

        Kilala ang Honda PCX bilang scooter na may malapad at tamang-tamang lambot ng upuan, bukod pa sa malaking espasyo ng step board para sa ginhawa ng rider. Prenteng-prente sa bike ang upright riding position kaya kumportable ang upo kahit pa maipit sa matinding trapiko.

        Continue reading below ↓

        Ang two-step seat at mas mataas na foot pegs ay nagbibigay ng sense of safety sa aangkas dahil malinaw niyang natatanaw ang kanilang binibiyahe. Kailangan lang na iurong nang kaunti ang grab rail upang hindi na kailangan pang umusod ng nakaangkas para makakapit nang husto dito.

        Solid na ang locking system ng compartment sa ilalim ng upuan. Ang locking system ng kasalukuyang model ng PCX ay hindi kaagad sumasara. Pero sa bagong PCX160, sakto na ang locking mechanism sa metal U-bar ng upuan kaya hindi na ito sumasablay.

        Engine performance

        2021 Honda PCX160 engine

        Continue reading below ↓

        Mas agresibo ngayon ang pag-arangkada ng bagong scooter dahil dinagdagan ng Honda ang engine capacity nito sa 157cc mula sa 149cc. Dahil diyan, umaabot na ang maximum power nito sa 15.6hp, kumpara sa 13.3hp ng PCX150. Taglay pa rin ng bagong eSP+ (Enhanced Smart Power Plus) engine technology ang four-valve, SOHC, liquid-cooled layout.

        Ramdam ko agad ang additional engine power habang hinahabol ko ang HSDC instructor nang dumaan kami sa paakyat na parte ng training course. May maliit pero matarik na tulay kung saan kailangang mag-menor ng rider bago kumabig pakaliwa pagkapasok sa elevated structure. Maning-mani lang ang uphill climb test sa PCX160.

        Mula sa mga tight chicane hanggang sa cornering sections, naobserbahan ko na malaking tulong ang suwabeng throttle response sa malakas na pag-arangkada ng PCX160 habang humaharurot palabas ng apex bago ako tumuloy sa susunod na turn.

        Wala ring hirap sa pagtimpla ng preno sa tuwing babagal ang takbo sa mga S-turn.

        Continue reading below ↓

        Ride and handling

        2021 Honda PCX160 calipers

        Madali lang magamay ang riding dynamics ng PCX160. Kaya naman kumpiyansa akong nakasabay sa bilis ng instructor, dahil alam ko kung gaano kagaan imaniobra ang Honda scooter na ’yun.

        Napapangiti ako sa galing ng PCX160 sa pagiging alisto sa likuan nang gawin ko ang ‘figure 8.’ Napabilib din ako sa bilis kumagat ng preno ng scooter na ito nang gawin ko ang brake test sa 30kph.

        Continue reading below ↓

        Kung iyon man ay ang Combi Brake System o ABS, kaunting pressure lang sa levers ang kinailangan para pigilan ng calipers ang parehong brake rotors. Pero sa totoo lang, mas gusto ko ang ABS variant dahil mas sanay akong gamitin ang 90% ng preno sa harapan kaysa likuran.

        Bukod sa mas malapad ang frame ng PCX160, ang mas malaking gulong sa harap ay nagpahusay din sa kakayahan ng bike sa cornering.

        Ang pinakaimportanteng feature ng PCX160 ay ang Honda Selectable Torque Control (HSTC), na gumagana halos tulad ng traction control. Sa kawalan ng basa o madulas na bahagi sa proving ground ng HSDC, wala akong naramdamang iba sa road traction kahit pa in-on at off ko ang system na iyon.

        Extra features

        2021 Honda PCX160

        Continue reading below ↓

        Nilagyan ng Honda ang PCX160 ng Idling Stop System, isang USB charging socket sa loob ng cubby compartment sa bandang harap, at keyless entry system na may anti-theft at answer-back features.

        Tulad ng lumang model, ang bagong bersiyon ay mayroon ding 30-liter underseat compartment na may sapat na espasyo para sa isang full-face helmet at kapote.

        Verdict

        2021 Honda PCX160

        Continue reading below ↓

        Sa panahon ng new normal, milyun-milyon ang naghahanap pa rin ng disente at presentableng transportasyon papunta sa opisina bilang alternatibo sa mga sasakyang four-wheeled.

        Puwedeng sabihing medyo bitin ang 2021 Honda PCX160 sa pagkakaroon ng full TFT panel o connectivity feature, na mayroon ang karibal nito—ang Yamaha NMax 155. Naniniwala akong magkakaroon din ng mga ganitong features, sooner or later, dahil available na ang mga ito sa iba pang Honda motorbikes na may mas maliit na makina na nai-launch na sa ibang bansa.

        Sa kabila nito, ang presyuhan ng Honda PCX160 ABS at CBS variants ay magkukumbinse sa inyong piliin ang scooter mula sa Red Brigade, dahil nagniningning kung styling at performance ang usapan. Bukod dito, may matitipid pa kayo para pambili ng accessories o riding gear.

        Specifications: 2021 Honda PCX160

        Price: P115,900 (CBS), P133,900 (ABS)

        Engine: 156cc SOHC single-cylinder

        Transmission: CVT

        Power: 15.6hp at 8,500rpm
        Torque: 15Nm at 6,500rpm

        Continue reading below ↓

        (Marso 2, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱