Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        First ride: 2021 Honda XRM125 DSX

        Hindi pa rin matinag matapos ang dalawang dekada
        by Aris Ilagan Apr 3, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan
        MOTORCYCLE BRANDS IN THIS ARTICLE

        Sa loob ng halos dalawang dekada, ang Honda XRM125 ang isa sa mga motorsiklong patuloy na namamayagpag sa sales chart sa underbone category. Tumingin ka sa paligid mo at tiyak na may matatanaw kang XRM.

        Maraming dahilan kung bakit patuloy ang pagtangkilik ng mga Pinoy rider sa underbone na ito na kinukumpuni ng Honda Philippines (HPI) sa planta nito sa Sto. Tomas, Batangas: Gawa ng Pinoy, para sa Pinoy.

        Kamakailan, inanunsiyo ng HPI na magsisimula ang export program ng PH-made XRM125 sa New Zealand simula ngayong Abril. Big time, ’di ba?

        Ano bang mayroon itong XRM125 at tila hindi matinag sa hanay ng mga entry-level motorbike? Binigyan kami ng pagkakataon masubukan ang XRM125 sa proving ground ng Honda Safety Driving Center (HSDC) at narito ang aming first impression.

        Mayroon bang binabago?

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Sa unang tingin pa lang, napansin ko agad ang mga pagbabago sa styling at design ng 2021 XRM125. Hindi lang lumapad ang fairings at side claddings, nilagyan din ang mga ito ng bagong sporty graphics na lalong nagpa-astig sa itsura ng underbone na ito.

        At dahil mas malapad ang fairings, gumanda rin ang tayo ng XRM125 na nakadagdag sa pogi points ng motorsiklo. Sinalpakan din ito ng skidplate na gawa sa matibay na plastic at bracket na gawa sa bakal, at headlight, turning lights, at fenders para magmukhang Honda CRF na kilalang matibay, matulin at guwapong off-road machine.

        Gamit na rin ng XRM125 ang bagong instrument panel na mas madaling basahin ng rider. Wala namang halos binago sa engine, suspension, at brake system.

        Kamusta ang ride feel?

        Continue reading below ↓

        Halos tig-tatlong ikot kami sa mga obstacle course ng HSDC gamit nang salitan ang tatlong variant ng 2021 Honda XRM125 - DS (Dual Sport), DSX (Dual Sport Extreme) at Motard. 

        Kahit sa beginner, madaling magagamay ang riding characteristics ng XRM125 dahil ito ay magaan at madaling i-maniobra. Hindi tulad ng ibang underbone, bahagyang effort lang ang kailangan sa pagpisil sa brake lever, pumepreno na. Suwabe rin ang pagkambiyo gamit ang five-speed semi-automatic transmission (rotary-type—four down, four up).

        Ito ang nagbigay ng lakas-loob sa akin para ihataw ang XRM125 sa mga obstacle course, pilit na hinahabol ang mga HSDC instructor. Sa totoo lang, sarap na sarap ako habang ine-execute ang ‘Figure 8’ at nagpapaekis-ekis sa ‘S’ course. ‘Sisiw’ din sa XRM125 ang akyat-baba sa slope  kahit halos walang buwelo. Hanep din sa lakas ng arangkada nito gamit ang 125cc, SOHC, four-stroke engine na lumilikha ng 9.6hp at 9.5Nm, na tama lang para sa pang araw-araw na gamit, sa siyudad man o probinsiya.

        Continue reading below ↓

        Magkano?

        Sa atin-atin lang: Paborito ko pa rin ang DS dahil ito ang pinaka-affordable sa tatlo kung saan ang SRP nito ay P67,900. Ang presyo ng DSX ay P71,400 habang ang Motard ay P73,600.

        Ang DS at DSX ay gumagamit ng spoked wheels habang ang Motard ay naka-alloy wheels. Kung tutuusin, halos magkakapareho ang features nila. Bakit pa ako gagastos ng mas malaki kung andyan naman halos lahat sa DS variant?

        Continue reading below ↓

        Bagamat gawa sa Pinas, hindi makakailang taglay pa rin ng XRM125 ang Japanese quality engineering. Kung patipiran sa konsumo sa gasolina ang paguusapan, lumalaklak ang XRM125 ng halos 56km/L Sakto din pang-negosyo.

        O, saan ka pa?

        See Also

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱