Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        X-Town CT 300i at Downtown 350i TCS, pinakamalakas sa lineup ng Kymco PH

        Midsize scooters ang namamayagpag ngayon
        by Agnes Uzochika Aja Jul 16, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan
        MOTORCYCLE BRANDS IN THIS ARTICLE
        MOTORCYCLE MODELS IN THIS ARTICLE

        Pinalakas ng Kymco Philippines ang maxi-scooter lineup nito sa pagpapakilala ng dalawang bagong produkto: ang X-Town CT 300i at Downtown 350i TCS.

        Kilala bilang strong player sa midsize segment, target ng Kymco “to promote the countryside” habang ineengganyong bumili ang kabataang riders na may middle-class wallets. Ipinagyayabang bilang upgrade mula sa 125cc at 150cc scooter, ang mga maxi-scooters na ito ay nag-aalok ng premium features sa sakto lang na presyuhan.

        Ang X-Town CT 300i ay nagkakahalaga ng P229,000 at mayroong sharp at sleek lines na dahilan kaya naman agaw-pansin itong talaga. Para sa mas ligtas na ride, ang model ay mayroong full Bosch 9.1 ABS sa harap at likod; full LED lighting para sa maliwanag na arangkada sa harapan kahit may araw pa; at hazard at signal lights sa likuran.

        2021 Kymco X-Town CT 300i mid-size scooter

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Bilang bahagi ng urban DNA nito, ang X-Town ay mayroong USB port sa handlebars, isang digital panel kung saan naroroon ang smartphone-friendly Noodoe navigation system ng Kymco, at malapad ang flat floor board para malagyan ng extra baggage, tulad ng duffel bag.

        Nasa ilalim ng lahat ng utility na ito ang isang 276cc single-cylinder, four-stroke engine. Samahan pa ng fully automatic gearbox, kaya ng makina nito ang 22.93hp at 22.4Nm ng torque. Dagdag pang features ang five-point adjustable twin shocks, cargo compartment na sapat ang espasyo para sa isang full-size helmet, at maginhawang seat height na 30.7 inches.

        Mabibili rito ang X-Town sa tatlong kulay: Pearly White, Pearly Black, at Flat Deep Blue.
        Nasa P259,000 naman ang presyuhan ng 320.6cc Downtown 350i TCS, na isang adventure-ready ride para sa mahilig gumala kapag weekend na ang hanap ay ginhawa at performance sa kanilang guwapong motorsiklo.

        Hindi maipagkakaila sa porma ng sport-touring model na ito ay orihinal na binuo para sa European market noong 2009. Taglay nito ang sleek at aerodynamic body panels at available sa tatlong kulay (Deep Blue, Silver Crystal, at Gray Metallic, pawang matte finish), habang hinuhugot ang styling nito mula sa hindi inaasahang sources—ang disenyo ng headlight at taillight ng Downtown ay ginaya sa hatchback.

        Continue reading below ↓

        Kymco Downtown 350i TCS mid-size scooter

        Bagamat ang Downtown ay isang city-centric maxi-scooter, sinisikap nitong makipagsabayan sa iba sa larangan ng performance. In-update ito ng Kymco sa pamamagitan ng pag-upgrade sa transmission, gayundin sa steel chassis, habang ginawa ring mas matibay at mas malakas ang hatak.

        Ginawa ring aluminum ang gas tank ng Downtown hindi lamang para mabawasan ang timbang nito subalit iwas-kalawang din.

        Continue reading below ↓

        Bukod dito, ang fuel-injected, liquid-cooled engine nito ay mas mapuwersa kaysa sa orihinal na bersiyon. Ang powertrain ay umaabot sa 30hp at may maximum torque na 29.42Nm.

        Wala ring hirap sa likuan ang maxi-scooter dahil kaya nitong bumangking ng 39 degrees—kumpleto sa full Bosch 9.1M ABS, traction control. At tulad ng X-Town, mayroon din itong adjustable twin shocks sa likuran.

        Sa usaping touring bike characteristics naman tayo. Malaki ang compartment nito para sa dalawang helmet, pinataas ang seat height sa 31.9 inches, samantalang may slice-through-the-dark H7 headlight na rin ito at may bonus pang arrowhead LED lights combo.

        (Nobyembre 28, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱