Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Test Ride: Yes or no sa 2021 Kymco X-Town CT 300i Noodoe?

        Ideal para sa mga gustong mag-upgrade sa midsize scooter
        by Agnes Uzochika Aja Jul 4, 2021
        PHOTO: Agnes Uzochika Aja
        MOTORCYCLE BRANDS IN THIS ARTICLE

        Ilang buwan na sa Philippine market ang bagong midsize scooter ng Kymco na X-Town CT 300i Noodoe. Tinatawag na upgrade ng small-displacement scoot, ang X-Town ay idinisenyo para sa double duty—ang sumabak sa challenges ng araw-araw na biyahe, habang napakikinabangan din sa malayuang adventures.

        So, nakatupad ba ang reality sa expectation?

        Styling

        2021 Kymco X-Town CT 300i Noodoe headlights

        Continue reading below ↓

        Ang sinakyan naming pearly white X-Town unit ay hitsurang city cruiser talaga. Ang headlights ay fully LED, na may daytime running lights na nakaanggulo para matantiya ang tinatahak sa harapan. Interesante rin sa disenyo nito ang binalanseng soft curves at sharp angles ng kaha. Sa kabuuan, nasa hitsura nito ang scooter na seryoso ang performance, at bagay na nasa background nito ang paborito mong neighborhood restaurant o coffee spot.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

         

        The saddle

        2021 Kymco X-Town CT 300i Noodoe saddle

        Continue reading below ↓

        Bagamat malaki ang bulto ng X-Town, ang makitid nitong upuan ay nakakatuwang swak na swak para sa mga hindi matatangkad na riders. Sa seat height na 30.7 pulgada, pupuwedeng idiretso ng rider ang kanyang mga binti kaya mas madali ang pagmamaniobra sa scooter kahit na para sa five-footer na tulad ng inyong lingkod. Nakatupad naman ang seat cushion sa Goldilocks principle: hindi masyadong malambot, pero hindi rin matigas, kundi tamang-tamang ginhawa lang para matagalan ang hanggang tatlong oras na holiday traffic nang hindi sumasakit ang likod.

         

        Engine performance

        2021 Kymco X-Town CT 300i Noodoe engine

        Continue reading below ↓

        Ang cruising-friendly scooter na ito ay mayroong single-cylinder, four-stroke, two-valve engine na tiyak na magpapaligaya sa Land Transportation Office, gayundin sa kanang pulso mo na madaling mapilipit. Ito ay fuel-injected at pinagagana ng CVT, kaya sigurado nang tipid sa gasolina, garantisado pa ang puwersa kung kinakailangan.

        Napabilib din kami sa heat management ng makina nito. Napanatili nito ang temperatura kahit sa malayuang biyahe. Ang napansin ko lang—at minor lang naman ito—ay ang loob ng seat compartment, na minsan ay nag-iinit. Pero kakayanin naman itong solusyunan ng insulation.

         

        Ride and handling

        2021 Kymco X-Town CT 300i Noodoe caliper brake

        Continue reading below ↓

        Sa wet weight nitong 198kg, ang X-Town ay walang dudang nag-upgrade ng sukat, lalo na para sa mga dating nagmaniobra ng gaya ng Kymco Like 150i, na nasa 128kg lang. Hindi naman ito masama. Dahil sa malaking kaha at mahabang wheelbase, stable ang ride sa X-Town, at sa kabila ng bulto nito, uubra pa rin itong mailusot sa gitna ng trapiko nang hindi sumasabit.

        Kakambal ng consistent delivery ng makina ay ang mabilis kumagat na throttle at steering, kaya maginhawa ang pagra-ride sa X-Town. Wala ring problema sa pagharurot, kahit pa mula sa pagkakatigil. Para kumpletuhin ang performance package, kinabitan ng Kymco ang X-Town ng full Bosch 9.1 ABS. Ito, plus ang malalapad na gulong ng scooter, ay nagbibigay sa rider ng kumpiyansa sa pagmamaniobra kahit pa sa mga hindi makikinis na kalsada.

        Bukod dito, mayroong flat floorboard para sa maluwag na espasyo ng mga paa (o dagdag na gear) para sa mas relaxed na pagbibiyahe.

        Continue reading below ↓

         

        Extra features

        2021 Kymco X-Town CT 300i Noodoe handlebar

        Hindi tinipid ng Kymco ang tech at connectivity features ng isang ito. Nasa X-Town ang popular na Noodoe navigation system, bukod pa sa integrated USB charging port sa handlebar, at may bonus pang 12-volt charging port sa seat compartment.

        Sa katunayan, ang disenyo ng seat compartment ay isa sa mga senyales na upgraded nga ang scooter na ito. Mayroon itong cute na mini light at maluwag din. Kakasya ang isang full-face helmet, kapote, tire pump, registration papers, at towel sa loob. May pneumatic stay din na nakakabit sa upuan kaya hinding-hindi ito matitinag kahit pa malakas ang hangin.

        Continue reading below ↓

         

        Verdict

        2021 Kymco X-Town CT 300i Noodoe

        Nag-a-upgrade man kayo mula sa maliit o parehong sukat ng bike, ang Kymco X-Town CT 300i Noodoe ay isang napakagandang choice. Maginhawa itong ibiyahe dahil na rin sa 300cc engine, kaya parang maliit na scooter lang ang inyong minamaniobra. Dahil sa kumportable nitong upuan, pangmalakasang preno, at sangkaterbang accessories, siguradong kumportable at kumbinyente ang bawat ride ninyo.

        Continue reading below ↓

         

        SPECS: 2021 Kymco XTown CT 300i Noodoe

        Price: P229,000

        Engine: 276cc OHC

        Transmission: CVT

        Power: 22.9hp @ 7,500rpm

        Torque: 22.44Nm @ 7,000rpm

        Score: 19/20

         

        (Disyembre 28, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Agnes Uzochika Aja

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱