Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Test ride: 2021 TVS Dazz Prime, mas mura pa sa high-end smartphone

        Sakto lang ba ang naipon mo?
        by Matthew Galang Jul 21, 2021
        PHOTO: Matthew Galang

        Kung may namataan kang TVS bike sa kalsada, siguradong isa iyon sa mga kahanga-hangang motorsiklong ‘pantra’ ng brand—nakakabitan ito ng sidecar, o pupwede ring ang maaasahan at pang-negosyong XL100.

        Kilala sa mga motorsiklo nitong abot-kaya pero subok sa tibay, ang Indian motorcycle manufacturer ay puntirya ang bagong grupo ng motorcycle users: kabataang riders. Ngayong mas marami na ang nagmomotorsiklo, isa nang mahalagang bahagi ng merkado ang bagitong riders na nangangailangan ng sulit na personal na transportasyon.

        Sakto naman na mayroon nang Dazz Prime, ang tinaguriang ‘street stunner’ ng TVS. Malaki ang kaibahan nito sa dati nang formula ng Dazz na abot-kaya at madaling gamiting motorsiklo; stylish ang bagong porma, at kumpleto sa modernong features para sa mas kumportableng ride.

        Alok nito ang garantisadong automatic scooter experience, bukod pa sa extra features sa presyong mas mura pa sa mamahaling smartphone. Okay ba ang economical bike na ito para sa mga yuppies at estudyante? Para malaman, ginamit ko ang Dazz Prime bilang errand bike sa kasagsagan ng quarantine. Basahin kung ano ang aking verdict.

        Continue reading below ↓

        Styling

        2021 TVS Dazz Prime Decals

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Kumpara sa ibang abot-kayang models sa merkado, hindi mukhang cheap ang Dazz Prime. Ang isa sa mga unang napansin ko ay ang body panels na maayos ang pagkakapinta—lalo itong kapansin-pansin sa white/red model. Interesanteng makita ang styling na ito ng TVS dahil ang ilang manufacturers na doble ang presyuhan sa scooters ay walang kaporma-porma ang body panels o kaya naman ay napakanipis ng ginamit na pintura.

        Continue reading below ↓


        Angat ang ganda at pagiging sporty ng bike na ito para sa isang basic two-wheeler na idinisenyo para sa pang-araw-araw na transportasyon. Kaagad mapapansin ang sharp lines at neat decals sa pointed at angular bodywork nito, na lalong pinaastig ng kumbinasyon ng matte, gloss, at faux-carbon-fiber finishes.


        Medyo bawas pogi points lang sa porma ng Dazz Prime ang kabitan ng plaka sa unahan na bahagi talaga ng disenyo nito. Hindi ito nagpapaalala sa kontrobersiyal na ‘doble plaka’ law natin tungkol sa pagkakabit ng license plate sa harapan ng motorsiklo; nagkataon lang na ang mga units na ibinebenta sa Pilipinas ay pareho ng sa Indian-market model.

        Sa India, normal ang pagkakaroon ng front license-plate mounts sa mga motorsiklo. Pero sa totoo lang, hindi naman iyon ganoon kalaki. Umasa na lang tayo na hindi dumating sa puntong kailangan din nating gamitin iyon dito sa Pilipinas.

        The saddle

        2021 TVS Dazz Prime saddle

        Continue reading below ↓

        Kung hindi pa rin malinaw sa inyo, ang Dazz Prime ay isang maliit na bike, pati sa engine displacement at dimensions. Sobrang obvious nito kapag nakasakay ka na; ang riders na matatangkad at may kalakihan ang katawan ay siguradong hindi magiging kumportable sa liit nito.


        Pero ang seat height ay saktong-sakto lang sa karaniwang sukat ng Filipino adults. Ang upuan ay kumportable, ang ergonomics ay relaxed, gaya lang ng tipikal na riding experience sa scooters.

        Kung mayroon mang konting problema, iyon ay ang step board: hirap pagkasyahin doon ang pares ng paa ng isang grown-up. Medyo masikip ang puwesto, lalo na kung may kalakihan ang iyong paa.


        Sa gitna ng handlebars ay may simpleng analog gauge cluster, na sakto lang sa dapat asahan sa scooter na may ganitong presyuhan. Ang display ay nakaanggulong madaling basahin habang nagra-ride, pero nakokompromiso ang pag-aninaw sa ilang bahagi ng gauge kapag direkta nang nasikatan ng araw.

        Continue reading below ↓

        Engine performance

        2021 TVS Dazz Prime engine

        Pinagagana ng 110cc single-cylinder engine, ang cute scoot na ito ay pumapalo ng hanggang 90kph sa hindi ganoon kabilis pero hindi rin naman nakadidismaya sa may kabagalan na takbo.

        May 8.34hp at 8.3Nm ng torque ang magaang Dazz Prime. Sapat lang ang puwersa nito para dalhin ka, ang bike, at ang anuman o sinuman na magdadagdag ng bigat sa biyahe sa tamang tulin.

        Continue reading below ↓


        Makakatulong ang pagpiga sa throttle para umalagwa ng andar ang bike, pero kailangang tagalan ang pagpiga upang tumodo ang buwelo nito. Konting piga pa at kakayanin nang i-overtake ang mga sasakyang nasa regular city-driving pace.


        Maayos ang performance ng Dazz Prime, mag-isa man ako o may sakbat na backpack na puno ng groceries. Sapat lang sa kinakailangang arangkada at walang problema sa pag-akyat sa matarik na parking ramp sa tinitirahan ko. Kuntento rin ako sa pagiging efficient ng single-cylinder mill na ito dahil nagagawa kong tumodo ng mahigit 120km sa odometer gamit ang isang full tank ng gasolina.

        Ride and handling

        2021 TVS Dazz Prime scooter

        Continue reading below ↓

        Ang mga low-displacement scooters ay sadyang suwabeng gamitin, at ganun din ang Dazz Prime. Sa gaan nitong 93kg, ito ang klase ng scooter na walang kahirap-hirap sa likuan at napakabilis imaniobra. Ang makitid na gulong sa harapan ay mabilis kumagat sa bar input, habang kumakapit naman ang gulong sa likod sa likuran kapag pantay ang kalsada at hanggang maiiwasan ang medyo kritikal na anggulong pang-sport-bike level lamang.


        Walang espesyal sa suspension setup nito, pero kakayanin naman ang mga baku-bakong kalsada natin. Nagawa ng shocks na suportahan ang bigat ko, at itataya ko ang isang linggong budget ko sa pagkain na hindi ito sasayad sa speed bumps.


        Bahala naman sa preno ang single hydraulic disc sa harapan at mechanical drum unit sa likuran. Sobra pa sa sapat ang lakas nito para ipreno ang Dazz Prime kahit mabilis ang takbo. Bagamat may puwersa ang front disc sa ngayon, mas mainam sana kung magkakaroon na rin ng opsiyon para sa ABS, kung hindi man gawing standard ito.

        Continue reading below ↓

        Extra features

        2021 TVS Dazz Prime underseat storage box

        Sa presyong wala pang P60,000, tama lang na hindi masyadong umasa ng pangmalakasang features sa Dazz Prime, di ba? Pero uubra ito, dahil ang afford na afford mong scooter na ito ay marami-rami ring itinatagong sorpresa.

        Mayroon itong bag hook para sa iyong groceries, hindi kalakihang underseat storage box, may electric starter na bukod pa sa kickstarter, front storage pocket na gawa sa plastic ngunit sapat lang ang lalim, at isang weather-shielded charging socket na kumpleto na sa USB port, hindi tulad ng ibang outlet-equipped scooters na mangangailangan pa ng USB adapter para magamit.

        Continue reading below ↓

        The verdict

        2021 TVS Dazz Prime scooter

        Ngayong unti-unti pa lang na bumabalik ang weekend leisure rides at kailangan pa rin natin ang mga 24/7 na pangharabas, ang maaasahang ride gamit ang maayos at efficient na motorsiklo ay walang dudang mas praktikal kaysa isang 600cc supersport bike.

        Sa usaping ito, perpekto ang TVS Dazz Prime hindi lang dahil sa presyo at pagiging praktikal nito, kundi dahil din sa moderno nitong porma at features na sobrang useful talaga.

        Continue reading below ↓

        SPECIFICATIONS: 2021 TVS Dazz Prime

        Price: P59,900

        Engine: 110cc SOHC single-cylinder

        Power: 8.34hp
        Torque: 8.3Nm
        Transmission: automatic
        Score: 17/20

        (Agosto 21, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Matthew Galang

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱