Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Review: 2021 TVS King

        Ito ang patok pang-negosyo
        by Aris Ilagan Feb 25, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Marahil ay napansin ninyo na ang pagdami ng mga three-wheeler hindi lamang sa mga siyudad, ngunit maging sa mga liblib na barangay sa bansa. Isa sa mga ito ang TVS King na gawang-India na mabilis na nakikila dito sa Pinas na isang multi-function vehicle na hindi lamang matibay, ngunit abot-kaya rin.

        Dumarami na ang lokal na pamahalaan na nakadidiskubre sa pagiging praktikal ng TVS King. Ito ay madaling i-convert mula sa pagiging pampasaherong sasakyan sa delivery van, food truck, at tourist transporter. Mayroong ding mga pagkakatong bumibida sa mga kasalan ang TVS King matapos itong bihisan bilang isang wedding car. Ang cute, di ba?

        Pinalad ang Top Bikes Philippines dahil binigyan kami ng pagkakataon na ma-test-ride ang TVS King nang ilang linggo. Narito ang aming opinyon sa overall performance ng TVS King. Sakay na kayo!

        Styling

        TVS King Body

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Kung inyong pagmamasdan ang harapan ng TVS King, agad na liliwanag ang inyong araw dahil sa inilalarawan nito ang isang masayang mukha: may malalaking mata, matangos ang ilong, at palaging nakangiti.


        Obserbahan niyo ang hugis ng katawan nito at tiyak na maaalala si SpongeBob SquarePants kaya madali itong makaakit ng atensiyon, lalo na sa mga paslit na palaging gustong magpakuha ng larawan katabi ang sasakyan. At dahil sa nakapanggigigil na disenyo nito, parang napakagaan ng pakiramdam kapag naupo na sa sasakyan.

        Simple ngunit may dating. Sa materyales pa lang ay makasisiguro na ang sasakyang ito ay pangmatagalan.


        Saddle

        TVS King Saddle

        Continue reading below ↓


        Kung nakapagmaneho o nakasakay na kayo ng tricycle, mapapansin niyo ang pagkakaiba pagdating sa comfort ng TVS King. Dahil sa lapad ng upuan ng driver at pasahero, hindi nakararamdam ng pagod kahit sa mahabang biyahe o maipit pa sa trapik.

        Langit at lupa kung ikukumpara ang riding comfort ng TVS King sa mga ordinaryong tricycle. Malaki ang cabin space at legroom kaya madaling pumasok at lumabas sa sasakyan. Bukod sa mayroon na itong mga seatbelt, maraming makakapitang steel bar ang mga pasahero sa loob ng TVS King sa tuwing sila’y naaalog habang dumaraan sa humps o malubak na kalsada.

        Maaari rin kargahan ng sako ng bigas o garden soil ang rear passenger seat dahil ito ay gawa sa matibay na leather na nakapatong sa solidong bahagi ng chassis. Madali rin itong linisin gamit ang water hose.

        Engine performance

        TVS King Handlebar

        Continue reading below ↓

        Magtapatan tayo. Kung tulin ng sasakyan ang habol mo, ang TVS King ay hindi para sa iyo. Ang sasakyang ito ay dinisenyo para lang sa passenger shuttle o cargo delivery.

        Kung kapos sa tulin, hanep naman sa hatak ang TVS King. Ito’y kargado ng 199.3cc single-cylinder, air-cooled engine na matatagpuan sa likurang bahagi ng sasakyan. Ang maximum power nito ay umaabot sa 9.2hp at 5,500rpm, habang ang maximum torque ay nasa 14.5Nm at 3,500rpm.

        Gamit nito ang four-speed manual transmission na may reverse. Ang ignition system ay kombinasyon ng electric (push button) at hand-assist starter gamit ang isang itim na tubo na matatagpuan sa kaliwa ng driver seat.

        Sinubukan kong magsakay ng tatlong pasahero at talagang nakagugulat ang lakas ng hila ng sasakyang ito. Ang pag-konsumo sa gasolina ay nasa 30km/L.

        Ride and handling

        TVS King Suspension System

        Continue reading below ↓

        Kung saludo ako sa hatak ng TVS King, sa ride and handling naman ito nagkulang dahil medyo kumplikado ang gear shifting. Tulad ng Vespa PX, nasa kaliwang handgrip ang kambiyo nito kasama ang clutch lever.

        Sabay ang pagpisil sa clutch lever at pagpihit ng kaliwang handgrip sa pag-upshift o downshift. Kung napaaga ang upshift, asahan mo na ang malakas na vibration sa buong sasakyan. Maghintay ng magandang timing—tamang bilis at engine rpmsa pagkambiyo.

        Dahil sa laki ng kaha at kakulangan ng hydraulic steering assist system, mabigat imaniubra ang TVS King. Dapat ding tiyakin na nasa tamang bilis ang sasakyan tuwing liliko dahil madali itong ma-off balance. Kailangang din madiin ang pagtapak sa preno upang tumigil ang sasakyan dahil drum brake pa rin ang gamit nito sa harap at likuran.

        Sa liit ng gulong at suspension system, dama rin ng driver at pasahero ang mga butas sa kalsada.

        Extra features

        TVS King Cabin Light

        Continue reading below ↓

        Hindi makakaila na tinipid sa extra features ang TVS King. Bukod sa ilang cup holder, mayroon itong maliit na glove compartment sa harapan ng driver kung saan maaaring ilagay ang rehistro ng sasakyan.

        Mayroon din itong maliit na cabin light na malaking tulong sa driver kapag sumapit ang dilim. At siyempre, huwag kalilimutan ang sound system. Matatagpuan din sa dashboard ng sasakyan ang maliit na speakers para sa audio system.

        Halos lahat na nasa instrument panel ay analog pa rin, habang ang fuel gauge ay may apat na warning light na paminsan-minsan ay bitin sa accuracy.

        Verdict

        TVS King Engine

        Continue reading below ↓

        Sa porma, masasabi namin na may kakulangan ang TVS King. Subalit kung tibay, performance at functionality ang paguusapan, saludo kami sa three-wheeler na ito. Malaking pagkakaiba rin sa tricycle kung riding comfort ang labanan.

        Sa presyong P178,900, mayroong ka nang sasakyan na kayang gawin ang halos lahat ng aspeto kung negosyo ang pag-uusapan. Saan ka pa?

        Specs: 2021 TVS King

        Price: P178,900
        Engine: 199.3cc single-cylinder
        Power: 9.2hp at 5,500rpm
        Torque: 14.5Nm at 3,500rpm
        Score: 13/20

        See Also

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱