Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Review: Nolan N70-2 X, ang 8-in-1 helmet

        Pera at storage space ang mase-save rito
        by Aris Ilagan Sep 23, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Bukod sa mismong motorbike, ang isa pang bagay na nakapagpapa-excite sa isang rider ay ang helmet. Ilang kuwento na ang narinig natin tungkol sa wannabe riders na nauuna pang bumili ng helmet bago ang motorsiklo.

        Ito ay dahil sangkatutak ang helmets sa local market ngayon, kung saan naggagandahan ang mga disenyo at marami pang interesanteng features ang mga ito, kaya naman nate-tempt ang riders na bumili ng isa sa kada disenyo. Ang modern-day helmets ay may kani-kanyang partikular na gamit at tema, kaya kadalasang hindi lang iisa ang helmet ng riders.


        Nais ng Italian company na Nolan na pagaanin ang buhay ng mga nasa riding community kaya lumikha ito ng isang multi-purpose, multi-design helmet na madaling ma-reconfigure para sa iba’t ibang pangangailangan, ito man ay para sa racing, retro, adventure, o off-road. Four-helmets-in-one na kaagad ito.

        Nasa bansa na ang Nolan N70-2 X, isang makabago at highly customizable helmet, at nakabili kami mula sa Motoworld at MotoMarket outlets. Narito ang aming review sa napaka-versatile na headgear na ito.

        Continue reading below ↓

        Styling

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Isa itong aspeto na dapat na taglay ng isang motorcycle helmet. Kung pangkaraniwan ang styling at disenyo ng helmet, hindi man lang ito pagkakaabalahang pansinin ng riders. Kaagad nilang babalingan ang kalabang brand.

        Sa unang tingin pa lang, kaagad nang mapapansin ang adventure motif ng N70-2 X. Ang pangkalahatang hugis at disenyo nito mula sa harapan hanggang sa likod ay nagbibigay ng astig na aerodynamic vibe. Ang Metallic White version ay mayroong two-tone design, kumpleto sa flat black sa tuktok.

        Continue reading below ↓

        Tinangka naming alisin ang peak, chin guard, at face shield para makita ang iba’t ibang porma ng helmet na ito—open-face, sport-style, at adventure look. Anuman ang configuration, hindi nabawasan ang solidong appeal ng N70-2 X.

        Maging ang dalawang release buttons para sa internal sun visor ay pasimpleng matatagpuan sa pang-ibabang bahagi ng helmet para hindi makaapekto sa overall appearance nito. Bahagya lang itong mapapansin maliban na lang kung kakapain ng iyong daliri ang maliliit na controls na nasa gilid ng helmet.

        Comfort

        Continue reading below ↓

        Dahil isa itong multitasking helmet, hindi nito dapat nakukompromiso ang comfort ng riders sa anumang riding conditions. Masuwerte namang ang N70-2 X ay mayroong natatanggal na Clima Comfort interior lining na sakto lang sa mukha ng rider. Ang shell shape ay intermediate round oval.

        Ang Nolan-designed AirBooster ventilation system ay nagbibigay-ginhawa sa rider kahit pa tumataas ang temperatura kapag naiipit sa gitna ng traffic. May dalawang vents na strategically positioned sa tuktok na maaaring ibukas-sara gamit ang dalawang release slides sa ibabaw para malayang tumagos ang hangin, at tatlo pang openings para lumabas ang hangin.

        Ang bigat ay isa ring importanteng konsiderasyon sa pagpili ng helmet. Tumitimbang lang ng 3.8lb, ang N70-2 X na marahil ang isa sa pinakamagagaan sa kategoryang ito. Ang pag-adjust dito mula sa Homologation P (kumpletong components) papuntang J (huwag isama ang protective chin guard) ay garantisadong magbabawas dito ng hanggang to 2.2lb).

        Malaking tulong na ito para maiwasang sumakit ang iyong leeg habang ilang oras kang nasa saddle. Sa pamamagitan ng maliit na bukasan sa gitna, madali lang na maiaangat ng rider ang face shield upang ma-enjoy ang malamig na simoy ng hangin habang nasa biyahe. Bukod ito, ang retractable inner visor na may UV400 protection rating ay malaki rin ang kaginhawan mula sa diretsahang sinag ng araw.

        Continue reading below ↓

        Narito ang isang kapintasan ng N70-2 X: ang quick-release retention strap nito ay masyadong malapit sa leeg, na minsan ay nagbibigay sa rider ng pakiramdam na parang sinasakal.

        Safety

        Bagamat ang disenyo ang unang napapansin, ang safety rating ng isang helmet ay dapat na maging pangunahing concern ng rider. Dahil sa advanced polycarbonate shell ng N70-2 X, may dahilan kami para maniwalang ang Nolan ay tumutupad sa global safety standards sa mga produkto nito. Ang helmet na ito ay may iisang legal safety certification lang—mula sa DOT ng Amerika, pero wala mula sa ECE 2206 ng Europe.

        Continue reading below ↓

        Nangako ang Nolan na kakayanin ng natatanggal na chin guard ang pinakamatitinding impact kapag tama ang kabit nito.

        Extra features

        Minsan pa, bibigyang-diin natin na ang pinakamalakas na selling point ng Nolan N70-2 X ay ang kakayahan nitong ma-reconfigure sa walong magkakaibang settings nang hindi gumagamit ng anumang tools kundi ng kamay lamang. Tiyakin lang na mayroon kayong convenient pouch kung saan ligtas ninyong maisisilid ang removable parts ng helmet. Disaster kapag nawaglit ninyo ang alinman sa mga ito.

        Continue reading below ↓

        Kung obsessed naman sa original components, ang N70-2 X ay maaari ring kabitan ng N-Com communication system, na hiwalay na ibinebenta.

        Verdict

        Para sa riders na pamilyar sa sports helmet, maaaring mairita kayo sa ingay na maririnig habang suot ang Nolan, lalo na kapag ang bilis niyo ay nasa 80kph. Pero mareresolba naman ito kung makakasanayan ang pagra-ride habang tumatagos sa helmet ang ingay ng hangin.

        Bawasan na ang mga ekstrang helmets sa iyong koleksiyon, dahil mabibili na sa Pilipinas ang Nolan N70-2 X. Hindi lamang espasyo ang matitipid ninyo kung hindi maging pera sa pagkakaroon ng isang 8-in-1 helmet na kumportable, ligtas, at may napakagandang disenyo.

        Specs: Nolan N70-2 X

        Price: P16,800-P19,500 (depende sa kulay at graphics)

        Weight: 2.2-3.8lbs

        Type: On-/off-road, customizable sa eight configurations

        Score: 17/20

        (Marso 12, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱